Nong una kitang Makita, sinta
Napatulala ako sayo
Puso ko’y sabik
Pag kita’y nakikita
Ano kayang gagawin?
Para masabi ko na
Mahal kita?
Lihim kong pag tingin
Kailan mo ba mapapansin?
Ako ba’y ‘sang tanga?
Di ko masabi mga simpleng salita
Kaya kong gawin
Pero di ko kayang sabihin sayo
Balang araw, mapapansin mo (rin)
Kundiman ngayon kundi bukas
Puso ko’y sabik,
Yan ay pag nakikita ka
Ako’y nababaliw na
Gusto kong lagi kang nasa piling ko
Ngunit araw araw
Ay malayo ka sa piling ko,
Oh sinta pakinggan mo
Mga hiling ko na di ko makakamit
Ang makapiling ka
Sa habang buhay
kahit ako’y maluka
Balang araw, mapapansin mo (rin)
Kundiman ngayon kundi bukas
Puso ko’y sabik,
Yan ay pag nakikita ka
Oh, ako’y lumuluha
Puso ko’y nasasaktan na sinta
Sasabihin ko na
Na sayo
Na mahal kitang talaga, mahal ko
“Mahal na mahal kita,” sinta
“Noon pa’y una kitang nakilala”
“Hiling kong ito, nasabi ko rin, sa wakas”
Ngayon na alam mo na sinta
Sana palagi kang nasa piling ko
Salamat sa lahat
Mahal kita, Sinta
Ehh Yeah yeah,
Oh sinta, Oh sinta,
Yeah